Napakaraming tao ang nagaabang ng
fireworks noong nakaraang National Day dito sa Hong Kong. Sa aming pagod dahil sa maghapong lakaran noong araw na iyon ay saglit kaming lumupagi ng aking mga kaibigan sa kalsada dahil wala naman kaming ibang maupuan. Pinaglaruan ko ang aking camera habang nakaupo. Madilim dahil sa kapal ng tao. Maya-maya ay nasipat ko ang tuktok ng Central Plaza Building sa aking viewfinder sabay pindot. Ang Central Plaza ang ikalawang pinakamataas na gusali sa HK at ikasampu sa buong mundo kung Taipei 101 ang basehan. Maya-maya ay nagsimula na ang fireworks kaya't kami ay tumayo... at nagwakas ang kadiliman... Matatagpuan ang mga amateur ko na kuha ng fireworks sa link na ito:
fireworks.
10 comments:
Interesting angle...nag stood out ang tuktok ng building :)
Happy LP and Happy Halloween na rin!
Thanks Thess! Happy LP and Halloween din sa yo!
WOW...maayos na pagkakuha...
unang pagsali ko kc ng litratong pinoy..bisitahin mo rin post ko.:)
http://monkeymonitor.blogspot.com/2008/10/litratong-pinoy-1-kadiliman.html
ganda nung colors nung building.
Happy LP!
napag-isip pa muna ako kung ano ito. interesting ang anggulo dahil tuktok lang ng gusali ang nakalitaw. Happy Halloween and Happy LP!
tanchi; purplesea; me, the islands and the world:
Salamat po! Happy LP rin!
salamat sa pag link
nice shot! malinaw pa ding talaga.
sana'y madalaw nyo din po ang aking mga lahok: Reflexes at
Living In Australia
Ganda, nagstand out yun may ilaw n tower.
Happy LP, kahit late ako, have a nice week din!
reflexes and mirage2g:
Thanks! Cool din ang mga shots niyo.
Post a Comment