Showing posts with label symphony of lights. Show all posts
Showing posts with label symphony of lights. Show all posts

Thursday, October 23, 2008

Litratong Pinoy #30: Liwanag


Nagliliwanag lalo ang Victoria Harbour dito sa Hong Kong tuwing sasapit ang ika-8 ng gabi dahil sa "Symphony of Lights". Lahat ng malalaking gusali sa Hong Kong Island ay kasali sa naturang palabas. Animo'y sumasayaw ang mga ilaw ng mga gusali sa saliw ng musika. Makailang ulit ko nang natunghayan ang Symphony pero hindi pa rin ako nagsasawa. Sulit itong sadyain dahil walang bayad ang panonood. Sana makaisip rin ang ganitong uri ng pakulo ang Kagawaran ng Turismo sa Pilipinas.