Ito ang ginamit kong luggage noong unang lipad ko papunta dito sa HK galing sa Pilipinas. Dalawang ulit ko pa lamang itong nagamit dahil kapag uuwi ako sa atin ay mas maliit na bag ang gamit ko. Tamad kasi akong magdala ng malalaking bag. Hangga't maari ay ayaw ko ang magbitbit...Nanganak ang aking asawa halos tatlong linggo na ang nakaraan kaya't muli akong umuwi ng Pilipinas. Biru-biruan namin habang ako ay nag-eempake, matapos ang dalawang linggong bakasyon, na isasama ko ang aming supling sa aking bagahe pabalik dito sa HK dahil kasyang-kasya naman siya roon. Sana nga ay ganoon lamang kadali... Ilang araw pa lamang ako dito sa HK ay bagot na at gusto na ulit umuwi para makasama ang aking pamilya...

