Showing posts with label ticket. Show all posts
Showing posts with label ticket. Show all posts

Thursday, December 4, 2008

Litratong Pinoy #36: Eksayted!

Oktubre pa lang ay nagpa-book na ako ng ticket pauwi ng Pilipinas para sa kapaskuhan. Sabik na sabik na akong magbakasyon. Sawa na akong makipag-chat at makipag-text lamang. Masayang makasamang muli ang aking mga magulang at mga kamaganak. Gusto ko nang makita ang aking asawa. Nais kong nang iparinig ang aking tinig sa aming munting anghel sa kanyang sinapupunan.