Ito ang mga dahon ng ginintuang Christmas tree sa Chek Lap Kok Airport dito sa Hong Kong. Kinuhanan ko ito habang naghihintay ng eroplano ng Cebu Pacific sa boarding gate noong ako ay umuwi sa atin. Gaya ng inaasahan, huli na naman sa oras ang dating ng eroplano nila. Mabuti na lamang at may dala akong camera na makakalikot. Hindi ako masyadong nabagot...Manigong bagong taon sa lahat!!!
