To all expecting mothers…
13 years ago
A cow's photoblog
Supot at bag kayo dyan! Mura lang... Likas na masipag ang mga Filipino. Tulad na lang ni ate na nakasuot ng lila sa larawan. Siya ay matiyagang nagtitinda ng mga kung anu-anong supot sa Plaza Miranda sa Quiapo. Kuha ko ito noong Disyembre 2008.
Chinese new year 2009 parade participants dressed in fiery yellow outfits and beating their drums. The annual parade was sponsored by Cathay Pacific and dubbed as the "World's Happiest Party."
The plaque reads:
Ngayon pa lamang ako nakakita ng kulay kahel na kalesa. Sabay pink na kamisa ang suot ni manong kutsero. Ayos di ba? Sana ay pinagsuot din nila yung kabayo ng pink para terno sila ni manong. Marami pang kalesa sa Fort Santiago gaya nito. Iba-iba ang kulay at disenyo. Nagpunta ako roon noong Disyembre upang kumuha ng mga litrato at para silipin ang museo. Ang huli kong dalaw sa Fort Santiago ay noong ako ay nasa kolehiyo pa. Kayo kailan huling nagtungo roon?
A fenced statue of Miguel de Benavides, O.P. at the Plaza de Santo Tomas in Intramuros. Benavides, former archbishop of Manila, is the founder of the University of Santo Tomas.
Youngsters observe water from a fountain surrounding the statue of King Charles IV of Spain located in front of the Manila Cathedral.
Asul na asul ang tubig ng pool kung saan ginaganap ang Dolphin Show sa Ocean Park Hong Kong. Pangalawang punta ko na roon. Pangalawang pagsaksi ko na rin sa palabas ng mga bibong dolphins. Sayang at standard zoom lang ang lente ng camera kaya di masyadong malaki ang kuha ko sa mga matatalinong hayop na ito. Oo, sagad na iyan. Sa susunod na balik ko sa Ocean Park ay mayroon na siguro akong telephoto. Sino ang gustong mag-ambag? :)
Today is the Feast of the Nazarene of Quiapo so I decided to upload this picture I took last December. Quiapo Church is officially called Minor Basilica of the Black Nazarene. Vendors and devotees usually crowd the front yard of the church.
Mahilig ka rin ba sa strawberries? Nakapunta ka na ba sa mga taniman ng strawberry sa Baguio o sa Benguet? Nakatikim ka na ba ng strawberry ice cream, strawberry jam, strawberry candy o strawberry wine? Bukod sa masarap ay sinasabing mayaman sa antioxidants ang strawberry kaya naman paborito ko itong papakin. Sagana rin ito sa vitamin C, fiber, folic acid at potassium. Ang karaniwang strawberry ay may 200 na buto at ito lang yata ang prutas na nasa labas ng balat ang buto.
Ito ang mga dahon ng ginintuang Christmas tree sa Chek Lap Kok Airport dito sa Hong Kong. Kinuhanan ko ito habang naghihintay ng eroplano ng Cebu Pacific sa boarding gate noong ako ay umuwi sa atin. Gaya ng inaasahan, huli na naman sa oras ang dating ng eroplano nila. Mabuti na lamang at may dala akong camera na makakalikot. Hindi ako masyadong nabagot...