Hindi naman talaga ako mahilig sa alahas. Ayaw ko kasi ang maraming burloloy sa katawan. Isa pa'y wala akong pambili hehehe. Kaya't ito ang napili kong ilahok sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes. Ang aking singsing pangkasal. Simple lamang. Walang bato. Yari sa dilaw at puting ginto na galing Italya at Timog Aprika... Bilang tanda ng sumpaan naming magasawa, hindi matutumbasan ng salapi o anumang halaga ang singsing na ito para sa akin.
12 comments:
of course, sabi ko na nga ba ito ang gagamitin mong litrato. :)
uy, HAPPY BIRTHDAY!
engagement ring naman ang sa akin kasi wala akong matinong litrato ng aking wedding ring ngayon. haha.
nakakatuwa ang simpleng wedding band. :)
Yung huling linya mo ay nakaak touch. Bihira kasi sa lalaki ang warm at nag s share ng ganyang feeling...pag nabasa ni misis mo ito ay kikiligin tyak! at added pogi points din ha ha!
Nice and simple!!!
Ganda at simple. Bibihira lang naman sa lalaki ang mahilig sa alahas. Nice shot!
Ako lang yata ang di nagpapahalaga sa wedding ring joke! Kasi maluwag kaya ayokong suutin baka mawala, simple man pero ang meaning nyan mahalaga! Happy LP!
pareho tayo, d rin ako mahilig sa..tunay haha kc nga walang pambili! nyehehe..ganda ng kuha mo:)
meron talagang tao na hindi masyado mahilig mag alahas
http://hipncoolmomma.com/2009/03/19/paboritong-alahas-42nd-litratong-pinoy/
parang karamihan sa atin hindi masyado mahilig sa alahas ah! simple pero maganda!
awwwww.... tats na tats ako..
Pareho tayong hindi mahilig sa alahas. ahahah..
ahhh..so sweet... :D
Post a Comment