Thursday, March 5, 2009

Litratong Pinoy #48: Bag

Ito ang ginamit kong luggage noong unang lipad ko papunta dito sa HK galing sa Pilipinas. Dalawang ulit ko pa lamang itong nagamit dahil kapag uuwi ako sa atin ay mas maliit na bag ang gamit ko. Tamad kasi akong magdala ng malalaking bag. Hangga't maari ay ayaw ko ang magbitbit...

Nanganak ang aking asawa halos tatlong linggo na ang nakaraan kaya't muli akong umuwi ng Pilipinas. Biru-biruan namin habang ako ay nag-eempake, matapos ang dalawang linggong bakasyon, na isasama ko ang aming supling sa aking bagahe pabalik dito sa HK dahil kasyang-kasya naman siya roon. Sana nga ay ganoon lamang kadali... Ilang araw pa lamang ako dito sa HK ay bagot na at gusto na ulit umuwi para makasama ang aking pamilya...

8 comments:

Anonymous said...

Wow, congratulations!! Naiimagine ko ang longing mo for your little angel and wife. Sana makapag bakasyon ka ulit sa lalong madaling panahon :)

type ko kulay ng bagahe mo ha, ube.

Marites said...

ganyan kalaki iyong bag na ginamit ko papuntang HK din noong isang linggo. Buti nalang hindi ako namili at namasyal lang.

fortuitous faery said...

purple! nice color. hmmm...kelan kaya makakarating ng HK si baby monica? :)

oi, maagang birthday gift mo na rin pala si monica! :)

Anonymous said...

Congratulations! :D

Parang ganyan din ang bagahe ko nung pumunta ako ng Thailand. Pinag-awayan pa namin ng tatay ko dahil gusto ay backpack ang dala ko para go lang ng go. Eh gusto niya maleta daw para medyo class naman tignan. Haha!

Happy LP!

Anonymous said...

stroller. hehehe. :D sabagay..nakakakuba ang backpack ehehehe

eto naman po ang aking entry dis week:
BAG :D

HAPPY LP PO ! :)

Anonymous said...

antler ba ito? :)

heheheh.

happy LP!!!

ito naman ang aking lahok: http://sunshinearl.com/2009/lp-bag/

Anonymous said...

congrats sa yong baby!

mabuti na din at malapit ka lang sa pilipinas. anytime ay mga murang ticket pauwi o kaya ay sila ang dadalaw sa yo :-)

Joe Narvaez said...

Kulay grey ang bag na yan hindi ube hehe. Di ko lang inayos settings ng kuha ko hehe. Maraming salamat po sa lahat ng dumalaw!!!