Gintong pabalat na may disenyong Hong Kong junk sa harap at Intsik na zodiac sa likod? Opo, tsokolate ang laman nito. Bumili ako ng isang supot noong nakaraang Chinese New Year. Sadyang hindi ko muna inubos para makuhanan ko ng larawan para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes... at dahil tapos na ang litratuhan, heto, nilalantakan ko na ang lamang matamis na tsokolate habang isinusulat ko ang akdang ito. Saraaappppp! Gusto niyo?
29 comments:
natatandaan ko noong bata kami ng ganyan at sinasabit sa christmas tree....
Happy LP
ang nakakainis sa choco coins eh nakakasugat yung foil tapos nakadikit pa yung choco sa foil kaya isusubo o didilaan mo yung foil kaya sugat ang dila ko :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
Uy mahilig din ako dyan sa chocolate coins! Henge!!! Happy LP!
ayyy! edible angpao? haha.
naalala ko tuloy yung gold chocolate coins na kinakain ko nung bata pa. :P
Oo nga pala, nakalimutan ko bumili ng ganyan nung CNY (scratches head) :D Sabi kasi ng student ko, me mga ganyan sila kapag New Year's Eve sa table.
uy masarap nga yung ganyan, at talagang usong uso sa mga chinese.
Tsokolate
Kakaiba naman ang disenyo nito - ganda ng konsepto na may Chinese zodiac sa likod. Kung hei fat choi!
ha ha ha! sa ngalan nga naman ng kodakan, tiis muna at panay klik klik bago makakain *lol*
pahingi, meron pa ba?
hindi lang pang Christmas, pang Chinese New Year pa :-)
pahingiiii...
parang tutuong coins sila! di mo aakalain na may tsokolate pala sa loob. hehe.. happy lp! :)
Nang-inggit pa! :D
The Chinese zodiac design's so elaborate just for a piece of chocolate. Grabe.
parang meron dito sa pinas na ganyang chocolate. di ko na masyadong napagkikita ngayon. nakakatuwa siguro yan sa mga bata, perang chocolate.
Masarap nga yan, paborito ko yan nung nasa elementary ako, kaya lang pisong rizal na malaki ang design.
Nung bata rin ako, naalala ko, imbes na pera, chocolate coins ang nasa medyas na isinabit ko sa Christmas Tree!
Ang aking tsokolate ay naka-post dito, at ang sa aking kapatid naman ay nandito. Happy Huwebes, ka-LP!
nakakakita na ako dati ng chocolate coin na sing laki ng palad ko. haha.
happy huwebes, eto ang aking lahok:http://paulalaflower.blogspot.com/2009/02/lp-02052009-tsokolate.html
penge..ay ubos na! sayang di umabot hehehe
happy lp!!
ayos ah... happy huwebes... :)
bigla ko naalala tuloy, wla bang melamine yung nakain mo?
hapi lp, kapatid!
http://teystirol.com/2009/02/05/mahilig-ka-ba-sa-twilight/
uy! ang ganda! diba may parang ganyan ang goya dati? ang hirap i-peel off! ;-) gaano kalaki yan?
great New year give aways!
happy chinese new year and happy LP din!
enjoy ka dyan a. nagdala rin ako ng choco coins noon christmas at yon ang pinag-agawan ng mga kids! ito'ng lahok ko: http://sweetcarnation.blogspot.com/2009/02/lp44-tsokolate-chocolate.html
ay naaalala ko rin yang mga chocolate coin nung bata pa tayo :)
ito naman ang aking lahok: http://arlenesview.blogspot.com
matagal tagal na din akong di nakakakita ng ganyan, makabili nga
noong bata ako, tuwing chinese new year, madami kaming ganyan na tsokolate.
eto ang aking paborito sa lahat
galing talaga ng mga gumagawa nito noh...kahit saan na merong ganitong klaseng chocolate. yan ang fave naming ilagay sa mga bday loot bags, natutuwa kasi mga bata pag may ganito.
my chocolate posts are here: Reflexes and Living In Australia
pag christmas nung bata kami yan ang linalagay sa mga christmas stockings namin pero di ganyan kaganda yung detalye ng design.
matagal na akong hindi nakakakita nito. Gusto ko iyan pero nahihirapan akong tanggalin ang balat kaya nginunguya ko nalang sama ang balat hehehe!
Aba syempre naman,, gusto ko! Penge!!! Ahahah
Maraming salamat sa pagbisita mga kaibigan!
Post a Comment