Ngayon pa lamang ako nakakita ng kulay kahel na kalesa. Sabay pink na kamisa ang suot ni manong kutsero. Ayos di ba? Sana ay pinagsuot din nila yung kabayo ng pink para terno sila ni manong. Marami pang kalesa sa Fort Santiago gaya nito. Iba-iba ang kulay at disenyo. Nagpunta ako roon noong Disyembre upang kumuha ng mga litrato at para silipin ang museo. Ang huli kong dalaw sa Fort Santiago ay noong ako ay nasa kolehiyo pa. Kayo kailan huling nagtungo roon?
15 comments:
whoaw! that is super nice...pretty...beautiful kalesa. mukhang pang turista lang ata yan eh :) gandang LP po! silipin ang sa akin dito sa Reflexes at Living In Australia
wow ang ganda...eksakto ang pose ng kabayo:)malamig rin sa mata ang kulay..
anyway HAPPY LP!
visit my entry to:
KAHEL IS ORANGE PALA?
ay ako rin, usually brown ang mga kalesang nakikita ko.. eto di mo mamimiss kasi kahit malayo kita na agad. =)
Ang aking owange na owange LP ay naka-post dito at ang sa aking bunsong kapatid naman ay nandito. Hapi Thursday!
ayos! pareho pala tayo. pumunta din kami dun nung december kasi medyo matagal na rin yung huli kong pagpunta doon. abangan namin mga kuha mo. dami ngang makukulay na karwahe doon.
agaw pansin ang kulay ng kalesang yan ha. :D
ayos!
kakaibang karwahe, pati yung kabayo medyo orange din :-)
happy LP!
Ang ganda nga! kahit ako ay ngayon lang nakakita ng ganyang kulay na kalesa... (at nasa kolehiyo pa din ng huling nagawi ng fort santiago)
stabilo orange! ayos! happy huwebes! http://jeprocksdworld.com/litratong-pinoy-kahel/
Nice colors! I last visited Fort Santiago last December 18, 2008, but it was at night since I was having a cool evening walk with my....;)
maski ako dito ko lang nakita ang kahel na kalesa.noong nasa FS kami wala naman kasi puro puti o itim lang :D
eto aken lahok
magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)
hehe ayos ah.. nacomouflage yung kabayo. mukhang konti lang eh orange na din hehe.. at ayos si manong.. naka pink ,. ayos na combination.. kitang kita agad ...
Ha ha ha! Natawa naman ako...cgro cute kung pareho ngang si horsey at manong ay naka FINK! *lol*
Huling dalaw ko sa Fort Santiago ay nuong Aug. 2008- LP EB.
pink and orange...parang kombinasyon na kulay ng dunkin donuts. hehe.
naku, mahigit 5 years na ata nung huli akong pumasok dito...may wow philippines pa ba dito? pero nakapasok din ako noon sa san agustin church museum.
ang ganda talaga ng intramuros. :) mejo matagal na nga rin akong di dumadalaw.
ito ang aking lahok :) http://arlenesview.tk
happy LP!
Marami pong salamat sa lahat ng bumisita ngayong LP linggo!
Post a Comment