Ang pinakamahalang regalo para sa akin ngayong kapaskuhan ay hindi ang snowman na ito na natagpuan ko sa The Peak Mall kundi ang aking munting anghel na ipapanganak pa lamang sa darating na Marso. Binalak kong ilagay ang mga kuha niya sa ultrasound para sa lahok ko sa litratong pinoy ngayong linggo ngunit minabuti kong huwag muna siyang i-expose sa blogosphere. Hihintayin ko na lamang ang kanyang paglabas... Sa susunod na pasko ay pang-background na lang ang snowman. Ang anghel ko na ang bida sa litrato.
7 comments:
Tama, may element of suspense...at oo nga, sorry nalang si snowman at backdrop na lang sya ha ha!
I'm sure excited ka na sa baby mo, a precious gift.
Happy LP!
Super excited Ms. Thess! Thanks!
wow exciting yan a! congrats. am sure kahit si snowman masaya din!
Masayaaa! Salamat Carnation!
hi joe!
lapit na pala ang delivery date ng baby mo!
sayang hindi kami nagkita ni mona recently sa manila. andun ako for a funeral...pero kulang din nga ang oras ko para makapamasyal o makipagkita sa mga kaibigan. i was mostly with family since namatayan nga kami...
uuwi ka ba sa manila pag manganganak na si mona? :)
And cute ng snowman. Para siyang candy man :)
fortuitous faery: My condolences... Nabanggit nga nya umuwi ka daw Pinas... Pauwi ako next week... Uwi ako ulit kapag due na si baby. :)
duskfading: Candy? Pagkain pa rin yun ah! hehehe
Post a Comment