Sinasabing madumi ang scrubbing sponge bagaman ito ang gamit natin pangsabon at panglinis ng mga pinagkainang plato at kubyertos. Paano'y laging basa kaya naman madaling tubuan ng mikrobyo. Payo ng mga eksperto sa hugasan ng plato, gamitan ng disinfectant at patuyuin ang scrubbing sponge matapos gamitin. Nabasa ko rin minsan na maari itong isalang sa microwave para ma-sterilize pero hindi ko pa ito nasubukan. Ikaw paano ka mag-alaga ng sponge?
32 comments:
salamat sa info:)
di naman nakikita...kaya ok lang panlinis ng plato;)
so far, di pa naman ako nagkakasakit:)
maligayang LP!
http://monkeymonitor.blogspot.com
Ilang araw lang pinapalitan ko agad ang sponge. sa umaga bago ito gamitin, sa mainit na tubig ko idinadaan at pinapaliguan din muna ng sabon.
Happy LP!
magdidisinfectant nalang ako -- Lysol Disinfectant concentrate. :) parang delikado yata i-microwave yan.
happy thursday sayo!
ayon sa napanood ko sa isang american tv show, mainam na ibabad ang sponge sa bleach pa minsan minsan kaso nga lang madali itong masira
oo nga, sabi nila super dumi ang sponge...kakadiri tuloy isipin.
tanchi: Kunsabagay...
Thess: Ayos ang sponge strategy mo ah.
iris: Subukan ng malaman hehe.
AC: Ok lang masira basta patay ang mikrobyo hehe.
Marites: Yuckkk :)
nabasa ko nga yan na i microwave daw pero ayaw ko at baka yung microwave naman ang masira :D pero tama ka, isa yan sa pinakamaduming bagay sa loob ng kusina na dapat e super lini. ang ginagawa ko? tinatapon ko sya at pinapalitan ng bago!
pwede i- microwave? masubukan nga...
Totoo ka, lalo na pag yung pinag-iwanan ng sponge ay basa, madaling kapitan ng mikrobyo, pag mabaho na yan,di ko na ginagamit...kasi nakakalimutan ko nga patuyuin =D
Pag di ko na gagamitin sinasabay ko labhan kasama ng mga basahan (sa washing machine) at ginagamit ko panlinis ng toilet...tapos tapon na din after a week...
raqgold: Di ba magastos sa sponge? hehe
pining: Balitaan mo ako pag nasubukan mo na ha hehe.
mirage2g: Ako rin. Nire-recycle ko panglinis ng toilet bago ko itapon. Sayang eh hehe.
Hi Joe.
Ako pinapatuyo ko din. Tapos, pareho ni mirage2g, di ko muna itinatapon, ginagamit ko sa mga lababo at toilet.
Salamat nga pala sa pagbisita sa blog ko kanina.
Have a great weekend!
ay ako rin bago ko ito itapon nagagamit ko pa sa toilet hehe:)
magandang tip yang microwave na iyan, masubukan nga. salamat sa dalaw..
di ko na hinahayaan pang dumating sa pagiging 'dugyot' madumi ang sponge ko...kung lumalambot na din ay pinapalitan ko na agad.
mas magastos ang magkasakit...kaya't maigi ngang maging sigurista na.
salamat sa iyong pagdalaw ka-LP.
Reflexes
Living In Australia
Sinisiguro kong napiga ko ng husto ang sponge tapos hinahayaan kong matuyo. At pinapalitan ko siya regularly.
hahaha, basic na tanong hehehe... siguro parte na rin sa katawan ang mikrobyo hehehe - mag-Yakult na lang - este ang labo hahaha... kasi laging babad ang aming sponge so baka nakakain na namin yung microbes heheh...
Sreisaat: Marami pala tayo na sponge recyclers :)
spiCes: Apat na tayo hehe.
cakesandladders: Balitaan mo rin ako ng iyong eksperimento ha.
RoseLLe: Kunsabagay, mas malaki nga ang gastos kumpara sa presyo ng espongha.
celia kusinera: Mukhang magaling na kusinera ka nga :)
Pete Rahon: Baka immuned na kayo? hehe
Hindi ako gumagamit nyan. I'm using brush!
mmm ang kilala ko lang na alagain na sponge e si spongebob... pero magandang panukala ha! masubukan nga =] salamat sa pagbisita sa blog ko! mabuhay ka =]
hmmmm, palit regularly tapos nililinis at pinipiga mabuti after every use. :)
kakapraning naman ang lahok mo heheheh
Binababad ko lang sa tubig ang sponge, haha. NIce pic! Akala ko sea creature....
your photo reminds me of sponge bob, hahaha!
Agring: Tinutubuan rin ng mikrobyo ang brush hehehe. Pero mas madali nga linisin. Salamat po sa pagbisita.
ian: Balitaan mo rin ako pag nasubukan mo na.
Kaje: Wag ka masyado mapraning. Minsan kailangan din natin ang germs hehe.
ajay: Hehe. Thanks!
sardonicnell: Hehe. Salamat po sa pagbisita.
nung unang tingin ko akala ko eh cake! may ganyang chika pala sa sponge ha. thanks sa info ;-)
Naku, ganoon ba? Bigla tuloy ako nabahala at nandiri...eeewww!
nung unang tingin akala ko cake. hehehe. napanood ko nga din sa tv commercial yung tungkol sa sponge. iniisip ko na lang na namamatay din yung bacteria pagnilalagyan na ng anti-bac na sabon :)
salamat sa pagbisita!
ay wala yan sa ginagamit ng kasambahay namin na panghugas. Nagulat na lang ako 1 day nung nakita kong lumang medyas ang pinanghuhugas nya. na-iimadyin mo ba? ewww. hahaha!
juleste: Akala ko sasabihin mo keso eh.
Pinky: Relaks lang po hehe.
korky: Mukha ba talagang cake? 3 na kayo nagsabi nyan eh hehe.
purplesea: Kung mabaho yung ginamit na medyas palagay ko walang mabubuhay na bacteria dun hehe.
ayyy that's really yuck. kaya sa bahay we dip it often in xonrox.
slamat sa bisita ha!
Ibinababad sa bleach o kaya isabay sa dishwasher.
Salamat sa pagdalaw sa LP ko ha! Much appreciated!
may sponge din sa aking lahok, pero kulay blue. haha. :) salamat sa mga tips!
Sunshine: Salamat din po sa bisita.
Joy: Effective ba yun dishwasher? Salamat din po!
Post a Comment