Thursday, November 13, 2008

Litratong Pinoy #33: Kinagisnan

Bilang mga Filipino, sanay tayong kumain gamit ang kutsara at tinidor. Isa na naman ito sa mga gawing namana o ginaya natin sa mga kanluraning mananakop. Nang mapadpad ako dito sa Hong Kong, ang kinagisnan kong kubyertos ay napalitan ng chopsticks. Hiyang naman ako sa paggamit nito kaya lagi pa rin akong busog... Ngunit paguwi ko sa bahay, kutsara at tinidor pa rin ang pili kong sandata.

11 comments:

Anonymous said...

natawa ako sa sinabi mong 'hiyang' ka sa pag gamit ng chopsticks...naalala ko kasi asawa ko (european sya) e medyo magana kumain kaya nananaba, pag rice pagkain namin, chopsticks binibigay ko nuon, kaso nahiyang din! expert na sya ngayon ha ha!

happy lp!

Joe Narvaez said...

Hi thess! Hehe palagay ko walang pwedeng humadlang sa taong magana kumain.

Happy LP rin sa yo!

Tanchi said...

pag-gutom ka talaga, masarap ang nakakamay:)
haha

maligayang LP
P.S. ang ganda ng konsepto

 gmirage said...

Ay great take for this theme! Totoong totoo, pero ok din kumain sa dahon ng saging ng nakakamay hehe, nasanay na din ako sa chopsticks pero mas madaming makakain kapag kutsara at tinidor! lol.

Anonymous said...

alam mo halos 3 years din kami sa SG pero di talaga ako natutong mag chopsticks...sa tinidor at kutsara pa din ako :)

sana po'y madalaw nyo din ang aking mga lahok sa: Reflexes at Living In Australia

fortuitous faery said...

hello joe! ako kahit marunong gumamit ng chopsticks, nakakabagal kumain kesa yung nakasanayan nang kubyertos. haha!

Anonymous said...

Ay panalo 'tong pic na 'to. As in!!! Waging wagi! Winner!!! At parang alam ko kung saan mo ito kinunan. wahahaha!

raqgold said...

kapag nagdieta ang asawa ko, chopsticks ang hawak din nya kasi mas mabagal sya kumain, hehehe

eto ang aking lahok:
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/ang-palengke-market.html

Joe Narvaez said...

tanchi: Thanks man!

mirage2g: Ay miss ko na yan kumain sa dahon ng saging tapos nakakamay lang.

roselle: Hehe salamat sa pagbisita.

fortuitous faery: Oo mga. Minsan mas maayos pa magkamay! :)

duskfading: Salamat! Looks family ba? wehe

raqgold: Effective ba na diet tool ang chopsticks? hehe. Salamat po sa pagdaan.

Anonymous said...

sa pagkakatanda ko'y siyam na taong gulang ako nang matutong gumamit ng chopsticks. :) pinagpaparaktisan ko noon ang mga instant noodles. hee hee. :D

Joe Narvaez said...

Magandang practice material nga ang noodles Munchkin Mommy :)