Thursday, November 6, 2008

Litratong Pinoy #32: Maalaala mo kaya?

Hindi pa gaanong luma ang napili kong lahok para sa Litratong Pinoy ngayong Huwebes. Ito ang kuha ko ng malaking replica ng Beijing 2008 Olympic Torch sa Victoria Harbour. Masasabing matagumpay and naturang Olympics at maaring mahirap malampasan kung hindi man maparisan. Tunay akong namangha sa husay na ipinamalas ng mga Instik sa opening ceremonies pa lamang. Hindi rin natinag ang mga atleta ng Tsina sa kanilang mithi na magkamit ng pinakamaraming medalya sa nasabing palaro. Ngunit naalaala niyo ba ang torch relay bago nagsimula ang 2008 Olympics? Sa mga bansang dinaanan ng relay, marami ang nagprotesta dahil sa mga isyung kinakaharap ng Tsina hinggil sa paglabag sa karapatang pantao. May ilan na nagtangkang agawin ang sulo o di kaya'y patayin ang sindi nito. Nagkaroon tuloy ng mas malalim na simbolo ang sulo ng Beijing 2008 Olympics hindi lang para sa mga Intsik kundi para sa lahat ng mga bansang kasali sa palaro.
-------------------
...at alam niyo ba na may tangka ang Pilipinas mag-host ng Olympics? Nagulat ba kayo? Basahin ang post ko sa mga links na ito:
Beijing 2008...Manila 2020?
Our Olympic Priority

24 comments:

Ibyang said...

ako din namangha sa galing na ipinakita ng china nitong nakaraang olympics. ang ganda ganda ng opening ceremony nila, kaso na-turn off ako nang malaman na peke yung bata na kumakanta, may ghost singer pala sya.

ibyang
http://awifescharmedlife.blogspot.com/2008/11/litratong-pinoy-maalaala-mo-kaya.html

fortuitous faery said...

hi joe! welcome to LP! ngayon lang kita nakita dito! haha. :P

buti ka pa, kahit replica ng beijing olympics torch, nakita mo! :)

sayo ko lang nalaman na baby girl pala ang hinihintay niyo! wala naman masyado updates sa blog ni mona...hehe.

congrats! may pangalan na ba? :)

fortuitous faery said...

by the way...link kita, ha! :)

raqgold said...

sa tingin ko may karapatan ang pinas na mag-host ng olympics -- wag lang sana sa iba mapunta yung budget para sa preparations nito :) ang ganda ng kulay ng torch!

salamat sa pagdaan sa blog ko at sa mga gustong dumaan, eto ang aking lahok
http://homeworked.blogspot.com/2008/11/soldiers-our-soldier.html

Tanchi said...

mahihirapan ang pilipinas sa kung tayo man ang maghohost ng olympics

sigurado

maligayang LP

Anonymous said...

ako'y naadik din ng kapapanood ng Beijing Olympics, ang gagaling nga ng mga Tsino, numero uno sa medal tally! At lalu kung hinangaan ang kanilang opening at closing ceremony. It was amazing!
I'm looking forward to the next Olympics which will be held here in the UK :-)
btw, thanks for coming over my blog and have a great weekend :-)

Joe Narvaez said...

ibyang: Ay oo nga, marami rin ang nagreact dito tungkol sa ghost singer na bata... Salamat sa pagbisita!

fortuitous faery: Thanks! Uwi ka ulit sa binyagan ha hehe.

raqgold: Kung sakali man maghost tayo e kailangan talaga bantayan ang pondo. Salamat din po sa pagdaan!

tanchi: Salamat tanchi!

pining: Thanks! Sana makapunta naman ako London para sa sunod na Olympics hehe.

Marites said...

tunay na kamangha-mangha ang ipinakita ng Tsina sa nakaraang Olympics. Kakayanin ba ng Pinas? Kung tayo'y magkakaisa lahat. Kaya lang, parang masyado pang maagang ambisyonin samantalang ang dami pa nating problema sa bansa. maligayang LP sa iyo.

Four-eyed-missy said...

Hallo, Joe.
First time kong makadalaw dito sa iyo. Binantayan ko talaga ang opening ng Beijing Olympics - galeng ng show nila!
Pilipinas, magho-host ng Olympics? Gamitin na lang sana muna nila sa pagbigay ng basic services sa atin. Tingin ko'y hindi pa tayo handa para sa ganyan kalaking event. Salamat ulit sa pagbisita mo sa blog ko. Siguradong babalik ako dito :)

 gmirage said...

Hello Joe, una, congratulations sa baby girl nyo! Hihintayin ko sa march ang picture =D

Sabihin ng boring ang buhay ko pero hindi ko napanood ang opening kasi wala kaming connection ng tv ngayon lol....puro lang kasi movies ang hilig namin =D

Happy LP and thanks sa pagdalaw at comment!

ian said...

haaay natumbok mo ang isang maitim na ulap na bumabalot sa tsina at ang olympics- ulap na higit pa sa polusyon ng beijing. sa ilang bilyong dolyar na ginastos ng tsina, dumaloy kaya ang sinasabing kaunlarang dala ng olimpiada hanggang sa mga kanayunan? kung ang landas patungo sa olympics sa maynila ay tigmak naman sa pagyurak ng karapatang pantao- salamat na lamang.

ayan. sorry- ang comment ko ay nagmistulang blog post. ikaw kasi. joke =] salamat sa pagdaan sa blog ko at happy LP lagi =]

JO said...

hi Joe,

salamat sa pagbisita mo sa LP ko.

Anonymous said...

Super ganda ang grand opening ng Olympic maski may kaunting intriga na fake ang special effect aired on tv.

Love the shot Ganda pati ng background:)

Anonymous said...

Maraming naging alaala ang nakaraang Olympics, maganda man o hindi.

Talaga nag-bid ang Pinas? Good luck na lang :D

Joe Narvaez said...

Me, the islands and the world: I agree. Salamat sa pagbisita.

ZJ: Thanks ZJ! Bisita rin ako lagi sa blog mo.

mirage2g: Hehehe. Salamat po!Happy LP rin.

ian: Tama ka riyan. Pero alam mo ba marami akong kaopisina na taga-mainland. ang nagsasabi na ramdam talaga nila ang pagunlad ng bansa nila. Maski sa grassroots level nakakarating ang ginhawa. Pero dahil sobrang dami ng tao sa Tsina ay marami pa rin talagang naghihirap. Gaya sa atin sa Pilipinas... Salamat po sa pagbisita.

JO: Salamat din po JO!

cheh: Uy salamat po!

julie: Hehe. Thanks for the visit.

Anonymous said...

Salamat sa pagdalaw. Nagbid ang Qatar for 2020 Olympics kaya lang na-reject dahil sa weather. Nalungkot nga sila dito. May mga facilities na sila dito - yong ginamiot noong Asian Games - sayang at walang gumagamit. Ang dami nila mga promotional materials. Ngayon binebenta na lang as souvenir. Happy LP!

Anonymous said...

Ganda ng contrast ng very oriental looking torch against the Sydney skyline - at buhay na buhay pa ang kulay!

Talaga? Nag-bid ang Pilipinas? Kakagulat nga!

Salamat pala sa pagbisita.

Tanchi said...

isang one-of-a-kind experience:)
good job

kitakits sa susunod na lahok:)

purplesea said...

salamat sa pagbisita sa aking blog. Napanood ko nga yung opening ceremony ng Beijing Olympics at napakaganda talaga ng kanilang presentasyon.

Olympics sa Pinas? Parang napakamapangahas na ambisyon. Kaya kaya natin?

Joe Narvaez said...

nina: Nabalitaan ko nga yang bid ng Qatar. Palagay ko mas handa ang Qatar kesa Pinas mag-host. Uy kuha ka souvenir baka may value yan balang araw. Padalhan mo na rin ako dito hehehe.

pinky: Uy maraming salamat po! Btw, Victoria Harbour dito sa HK yung kuha.

tanchi: Thanks!

purplesea: Kaya siguro natin pero bibilang muna tayo ng marami pang taon. :)

Anonymous said...

nice shot! olympics sa pilipinas? malay natin...

Anonymous said...

ang galing ng iyong kuha!

nagpakitang gilas talaga ang China noong nakaraang olympics. sayang nga lang kasi nagkaroon ng melamine scare kaya baka bumaba rin ang kanilang turismo.

happy LP!

Joe Narvaez said...

juleste and dyes: Salamat po sa pagbisita.

Anonymous said...

talaga? olympics sa pinas?!

salamat sa dalaw :D