Thursday, October 16, 2008

Litratong Pinoy#29: Bago nga kaya?


Sa kalye Wang Lok (dito sa Hong Kong) ay malimit akong makakita ng mga sofa na mukhang pinagsawaan na ng dating may-ari. Iniiwanan lang nila sa tabing kalsada. Pagpapaliwanag sa akin nung kaibigan kong Intsik, ang ibig sabihin ay maari na itong kunin ng maski sinong mapaibig. Nakakapagtaka dahil ang sofa sa larawan sa itaas ay ilang buwan nang nakababad sa tabi ng fire hydrant ngunit wala pa ring kumukuha, bagaman mukhang bago pa at walang sira. Kaunting punas lang ay di mo na halata na dinampot lang sa tabing-kalsada. Naisip ko tuloy, kung sa Pilipinas ito nangyari, tiyak na mabilis pa sa alas-kwatro ay naiuwi na yan agad. Kung sino man ang maswerteng makauna ay siguradong may maipagmamalaking "bagong" sofa.

2 comments:

agent112778 said...

baka nga di pa na ilalabas ng bahay eh may nag aangkin na :)

eto aken lahok

magandang araw ka-litratista :)
Salamat sa pagbisita :)

thess said...

medyo bago pa nga ito..tama ka, kung sa Pilipinas lang ito nangyari, may makikinabang agad :)

happy LP sa iyo at have a nice weekend too!