Do you really know Jose Rizal? What have you done for the country lately?
To all expecting mothers…
13 years ago
A cow's photoblog
Natagpuan ko ang grupong ito na umaawit ng mga himig pamasko sa isang mall sa Tin Shui Wai. Medyo kulang sa praktis pero ayos na rin pakinggan. Nakakaaliw. Masaya ako buong linggo kasi ilang tulog na lang ay byaheng Pinas na ulit ako... Iba pa rin ang karoling kapag sa kapwa Pinoy mo narinig. Maski yung galing sa mga batang uhugin na gabi-gabi nagbabahay-bahay.
Ang pinakamahalang regalo para sa akin ngayong kapaskuhan ay hindi ang snowman na ito na natagpuan ko sa The Peak Mall kundi ang aking munting anghel na ipapanganak pa lamang sa darating na Marso. Binalak kong ilagay ang mga kuha niya sa ultrasound para sa lahok ko sa litratong pinoy ngayong linggo ngunit minabuti kong huwag muna siyang i-expose sa blogosphere. Hihintayin ko na lamang ang kanyang paglabas... Sa susunod na pasko ay pang-background na lang ang snowman. Ang anghel ko na ang bida sa litrato.